Nanawagan sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang Associated Labor Unions (ALU) na ipagbawal ang ‘No vaccination, No work’ policy sa mga workplace.
Ayon kay ALU National Executive Vice President Gerard Seno, nakatatanggap sila ng reklamo ng mga manggagawa na hindi pinagre-report sa trabaho kung hindi makikibahagi sa company-sponsored COVID-19 vaccination activities.
May business owners ang nagbigay ng mahigpit na instructions sa kanilang mga supervisors at managers na ideklarang unfit to work ang sinuman empleyado na ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Binabantaan din ang mga ito ng reassignment at relocation sa ibang branches kung di magpapabakuna.
Ayon sa Labor Union, ang mandatory workplace policy at isang uri ng coercion at discrimination na paglabag sa karapatan ng mga manggagawa.
Bago umano lumaganap ito ay dapat kumilos na ang DOLE para ideklarang illegal ang patakarang ito.