Assorted firearms isinuko sa 601st Brigade

Muling nakiisa sa kampanya ng balik baril program ng 6th ID Kampilan Division ang bayan ng Datu Salibo Maguindanao.
Pinanguhan ang mismo ni Mayor Norodin Salasal ang pag turn- over ng mga baril sa pamunuan ng 601st Brigade .
Kinabibilangan ng 3 Grenade Launchers, 4 na Sniper rifles, 2 12 Gauge shotguns, KG9, M203, at 9mm pistol ang mga isinukong baril.
Pinasalamatan naman ni Brigade Commander Gen. Diosdado Carreon ang inisyatiba ng LGU Datu Salibo.
Noong October 1, 11 armas din mula sa mga bayan ng sultan sa barongis at shariff saidona Mustapha ang itinurn over sa 6th ID.
Kasalukuyang nasa 1,158 assorted firearms ang naisuko sa 6th ID kaugnay pa rin sa mas pinalakas na kampanya kontra loose firearms sa kanilang nasasakupan magmula noong enero ngayong taon.
6th ID Pic

Facebook Comments