Assunta de Rossi, nanganak na sa kaniyang miracle baby

230

Nanganak na ang aktres na si Assunta de Rossi sa pamamagitan ng elective cesarean section nitong Biyernes sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Say ng kaniyang kapatid na si Alessandra sa isang instagram post, ito na ang best miracle na nangyari sa kanilang buhay.


Matatandaan na nitong Mayo ay masayang inanunsyo ni Assunta ang kaniyang pagbubuntis matapos ang dalawang dekadang paghihintay nila ng kaniyang asawang si Jules Ledesma.

Naging challenging aniya ang pagbubuntis ni Assunta dahil nangyari ito sa kalagitnaan ng pandemya at mayroon pa siyang myoma na isang non-cancerous tumor na tumutubo sa matres.

Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ng couple na isang miracle baby ang kanilang unica hija na si Giulia Firentina Alessandra o baby Fiore.

Nagpapasalamat naman sa Maykapal si Assunta at ang kaniyang pamilya dahil naging safe ang kaniyang panganganak.




Facebook Comments