Hindi na ipupursige ng United Kingdom-based pharmaceutical company AstraZeneca na gawin ang clinical trials nila para sa kanilang COVID-19 candidate vaccine sa Pilipinas.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, mayroon na silang sapat na datos para patunayang mabisa ang kanilang bakuna.
Pero nilinaw ni Domingo na maaari pa ring mag-supply ang AstraZeneca ng kanilang bakuna sa Pilipinas kapag nabigyan na sila ng go signal ng FDA.
Pwede rin silang mag-apply para sa Emergency Use Authorization (EUA).
Ang AstraZeneca-Oxford COVID-19 vaccine ay nakitang 70% na epektibo laban sa COVID-19 sa unang half dose pero tumaas ito ng 90% matapos ang second full dose.
Matatandaang nag-apply ang AstraZeneca para magsagawa ng Phase 3 clinical trials sa bansa at nakalusot na sa evaluation ng Single Joint Review Ethics Board.