AstraZeneca, hindi pa kasama sa Emergency Use Listing ng WHO

Hindi pa nabibigyan ng World Health Organization (WHO) ng Emergency Use Listing (EUL) ang AstraZeneca para sa COVID-19 vaccines nito.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, bagamat nabigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authority (EUA) ang AstraZeneca vaccine, wala pa itong EUL mula sa WHO.

Nasa proseso pa aniya ng pag-review sa vaccine portfolio, na inaasahang matatapos sa susunod na mga linggo.


Para makapag-deliver ng bakuna ang COVAX facility, kailangan nilang mapasama sa EUL ng WHO.

Pakiusap ni Abeyasinghe sa mga bansang nabigyan ng COVAX allocations na iprayoridad ang mga healthcare workers dahil sila ang nag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19.

Matatandaang nasa 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech, 5.5 million doses ng AstraZeneca vaccines ang darating sa Pilipinas sa ilalim ng COVAX facility.

Facebook Comments