AstraZeneca ipagkakaloob lamang sa priority A1 healthcare workers

Nagdesisyon na ang Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) kung kanino ibibigay ang mga dumating na AstraZeneca vaccines sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ang mga ito ay ipagkakaloob sa priority A1 healthcare workers na nasa frontline health facilities upang maiwasan ng violation ng pamahalaan sa Covax Facility.

Kabilang sa A1 health workers ay ang mga frontline workers sa mga health facilities sa national, local, private and public, health professionals at non-professionals tulad ng students, nursing aides, janitors, barangay health workers at iba pa.


Nangunguna naman sa prioritization na mabibigyan ng AstraZeneca ang mga healthcare workers sa lahat ng level 3 hospitals, kasama ang COVID referral hospitals sa buong bansa, iba pang dedicated COVID-19 referral government hospitals, mga senior citizen healthcare workers at mga nalalabi sa A1 eligible recipients sa National Capital Region (NCR).

Samantala, ang mga tatanggi na magpaturok ng AstraZeneca vaccine ay mabibigyan ng bakuna pagkatapos maturukan ang lahat ng priority groups.

Kabuuan, nasa 525,600 doses na ng AstraZeneca vaccines ang natanggap ng bansa mula sa Covax Facility.

Facebook Comments