AstraZeneca, mas gusto ng mga LGU – DILG

Mas pinipili ng mga Local Government Units (LGU) ang COVID-19 vaccine na AstraZeneca.

Ito ay matapos ilabas ng National Task Force against COVID-19 ang listahan ng mga available vaccines sa merkado.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, inilatag ng NTF ang mga bakunang maaaring gamitin at nagbigay ng mga datos na pumasa sa pagbusisi ng Food and Drug Administration (FDA).


Inabisuhan din ang mga LGU sa posibleng schedule kung kailan ide-deliver ang mga bakuna.

Ang mga LGU ay magsasagawa ng vaccinations sa ilalim ng tripartite agreement sa pagitan ng national government at ng pharmaceutical firm.

Maaari ding magsagawa ng negosasyon ang LGU para sa pagbili ng kanilang vaccine supply sa kondisyong makikipag-coordinate sila sa NTF lalo na at pinagbabawalan pa rin ang mga pharmaceutical firms na magbenta ng bakuna sa mga lokalidad.

Facebook Comments