AstraZeneca, nag-apply na para sa EUA ng kanilang COVID-19 vaccine

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nag-apply na ang AstraZeneca ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa kanilang COVID-19 vaccine na ipapasok sa Pilipinas.

Ayon sa FDA, sinisikap din nila na masimulan ang pagbabakuna sa bansa sa kalagitnaan ng taong kasalukuyan.

Sa kabila nito, nilinaw ng FDA na kahit may bakuna na ay kailangan pa ring maging maingat ang publiko at sumunod sa minimum health protocols.


Target ng Pilipinas na makabili ng 148 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa pitong mga kompanya para sa taong ito.

Tinataya naman na 50 hanggang 70 million na mga Pilipino ang mababakunahan sa pagsapit ng katapusan ng taong ito.

Facebook Comments