AstraZeneca, pwedeng gamiting second dose sa mga nabakunahan ng Sputnik V

Posibleng gamitin ang bakuna sa AstraZeneca bilang ikalawang dose, oras na ma-delay ang pagdating ng Russian vaccine na Sputnik V sa bansa ngayong buwan.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr, kumpara sa ibang mga bakuna, mayroong iba’t ibang components ang AstraZeneca para magamit na second dose.

Huling dumating sa Pilipinas ang Sputnik V vaccine noong Hulyo na aabot sa 37,800 doses.


Matatandaang nitong Hulyo ay na-delay din ang delivery ng 170,000 doses ng Sputnik V na naka-schedule sa unang linggo ng buwan pero dumating na noong July 9 at 10.

Facebook Comments