AstraZeneca, tiniyak ang koordinasyon sa bansa

Tiniyak ng British-Swedish drugmaker na AstraZeneca ang koordinasyon nito sa Food and Drug Administration (FDA) matapos makapagtala ng side effects sa kanilang Coronavirus vaccine.

Kasunod ito ng suspensyon ng FDA sa pagbibigay ng AstraZeneca vaccine sa 59 anyos pababa dahil sa mga ulat na pagkakaroon ng blood clotting at pagbaba ng platelet count ng mga nabakunahan nito.

Ayon sa AstraZeneca, handa silang makipag-ugnayan sa FDA kaugnay nito at ang kaligtasan pa rin ng mga pasyente ang kanilang prayoridad.


Nilinaw naman ni FDA Director General Dr. Eric Domingo na ligtas pa rin iturok ang COVID-19 vaccine ng AstraZeenca sa mga senior citizens sa bansa.

Aniya, ang pansamantalang pagpapatigil sa pagbabakuna ng AstraZeneca ay paghahanda sa posibleng bagong protocol.

Kasabay nito, tinawag namang “exaggerated” ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang suspensyon sa paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa mga edad 60 pababa.

Iginiit ni Concepcion, dapat maging pangunahing konsiderasyon ang mga benepisyo ng bakuna kaysa panganib nito.

‘Very rare’ o bibihira lamang din aniya ang napapaulat na panganib ng AstraZeneca vaccine kung saan apat na insidente lamang ng blood clot o pamumuo ng dugo ang napaulat sa kada 1-milyong tinurukan nito.

Facebook Comments