AstraZeneca, unang anti-COVID-19 vaccine na naglathala ng datos ng kanilang clinical trial

Inilathala na ng Oxford University at AstraZeneca ang datos ng kanilang final-stage ng clinical trial.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang anti-COVID-19 vaccine manufacturer na naglabas ng kanilang final-stage ng clinical trial data sa scientific journal.

Batay sa data na nakalathala sa Lancet Medical Journal, isang respetadong scientific journal sa mundo, sinasabing ang bakuna ng Oxford University at AstraZeneca ay epektibo sa 70 percent cases.


Sa ngayon, ang AstraZeneca ay nabigyan na ng initial clearance ng Philippine vaccine expert panel.

Facebook Comments