AstraZeneca Vaccination Rollout sa Ilocos Norte, tagumpay!

59

iFM Laoag – Tagumpay ang nailunsad na AstraZeneca Vaccination Rollout sa iba’t-ibang ospital ng lalawigan ng Ilocos Norte.

Dumalo sa nasabing vaccination rollout si Presidential Secretary Harry Roque at Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19, Secretary Vince Dizon, Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc at Laoag City Mayor Michael Keon.


Dalawang ospital sa Laoag ang napuntahan ng NTF, ito ay ang Laoag City General Hospital na mayroon isang (1) recipient ng ceremonial vaccination at Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital na mayroon namang sampung (10) health workers mula naman sa iba’t-ibang District Hospitals.

Una nang nabakunahan ang ibang health workers sa lalawigan gamit ang Sinovac kamakailan na umaabot na ng higit isang libo na health frontliners.

– Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments