AstraZeneca vaccine, may pinakamahabang bisa kontra COVID-19

Kinumpirma ng Vaccine Expert Panel (VEP) na ang AstraZeneca COVID-19 vaccine ang may pinakamatagal na proteksyon laban sa sakit kumpara sa iba pang bakuna.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) VEP Head Dr. Nina Gloriani, tatagal ng isang taon ang proteksyon ng AstraZeneca kumpara sa anim hanggang walong buwan ng ibang mga bakuna.

Sa kabila nito, hindi pa rin aniya nila inirerekomenda na magpaturok ng booster shot.


Sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng 42 milyong dose ng COVID-19 vaccine kung saan 7.84 milyon dito ay AstraZeneca.

Facebook Comments