AstraZeneca vaccine order ng Pilipinas, magmumula sa Thailand – Galvez

Makakakuha pa rin ang Pilipinas ng COVID-19 vaccine supply mula sa AstraZeneca kahit naghigpit ang European Union sa pag-e-export ng bakuna.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang 17 million doses ng AstraZeneca vaccines ay manggagaling sa manufacturing plant nito sa Thailand.

Bukod dito, mayroon ding iba pang potensyal na mapagkukunan ng AstraZeneca vaccines – ito ay ang Serum Institute of India.


Maaaring makipagkasundo ang Pilipinas sa kumpanya para maabot ng bansa ang logistical requirement.

Nakatakdang inspeksyunin ni Galvez at kanyang team ngayong araw ang kapasidad ng regional distributor ng AstraZeneca.

Matatandaang nagbaba ng kautusan ang EU kung saan kokontrolin na ang exporting ng mga bakuna kapag hindi kinalala ng kumpanya ang kontrata nito sa regional bloc.

Facebook Comments