AstraZeneca vaccine, pwede pa ring gamitin sa kabila ng isyu ng blood clot

Patuloy na gagamitin ng pamahalaan ang AstraZeneca vaccines sa kabila ng mga ulat na nagdudulot ito ng blood clot.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa rin ito ang nagbibigay ng malaking hudyat na kailangang ihinto ang pagpapabakuna.

Hihintayin nila ang rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA) kung kailangang suspendihin o ipagpapatuloy ang vaccinations.


Handa rin ang DOH na sumunod sa magiging official statement ng World Health Organization (WHO) dahil hawak nila ang mga impormasyon mula sa international scientific committee.

Kaugnay nito, hinihikayat pa rin ni WHO-Western Pacific Region’s Essential Medicines and Health Technologies Coordinator Dr. Soccoro Escalante ang mga bansa na ipagpatuloy na gamitin ang AstraZeneca vaccine.

Samantala, committed ang WHO na i-deliver ang susunod na batch ng AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility.

Ang second dose ng AstraZeneca vaccines ay ihahatid sa loob ng 12 linggo.

Ang mga manakatanggap ng unang dose ng AstraZeneca vaccine sa Pilipinas ay nakatanggang tumanggap ng kanilang second dose sa katapusan ng Mayo at unang linggo ng Hunyo.

Facebook Comments