AstraZeneca vaccines, epektibo pa rin laban sa South African variant – WHO

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na nananatiling epektibo laban sa South African variant ng COVID-19 ang AstraZeneca vaccines.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang pag-aaral na ginamit sa South Africa ay isang “limited scale study” lamang.

Pero iginiit ni Abeyasinghe na ang layunin ng bakuna ay maiwasang mapalala pa ang sakit.


Matatandaang inihayag ng OCTA Research Group na ang efficacy ng AstraZeneca vaccine laban sa South African variant ay posibleng nasa 10% lamang laban sa B1351 o South African variant.

Facebook Comments