Manila, Philippines – Tatlong kagila-gilalas na astronomical phenomenon ang mangyayari sa buwan pagsapit ng January 31
Sa press briefing sa QC, sinabi ni Cynthia Celebre, Weather Services Chief, Research and Development Technology Department ng PAGASA na sa January 31, masasaksihan ang total lunar eclipse, blue moon at supermoon.
Ang kakaiba dito, sabay-sabay pagpatak ng 6:58 ng gabi hanggang alas dose ng madaling araw na masasaksihan ang naturang tatlong astronomical phenomenon.
Ito ang kauna-unahan para sa kasalukuyang henerasyon na masaksihan ng sabay-sabay ang tatlong amazing event ng buwan.
Wala naman aniyang kinalaman ito sa naging pagputok ng Bulkang Mayon dahil naranasan na rin ito sa nakalipas na panahon.
Bukas aniya ang PAGASA Astronomical Observatory para sa mga gustong masilayan ang event o kaya naman ay magsama ng mga kaibigan sa mga istretehikong lugar para sama samang masaksihan ang pangkaraniwang aktibidad ng buwan.