ASUNTO | Mga pinuno ng mga barangay na hindi makakapagpasa ng ‘drugs watch list’ kakasuhan ng DILG

Manila, Philippines – Kakasuhan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pinuno ng mga barangay na hindi pa nakapagpapasa ng “drugs watch list.”

Noong Marso 15 pa ang itinakdang deadline ng DILG sa pagsumite ng mga barangay sa bansa ng kanilang mga listahan ng mga sangkot sa droga.

Pero 20 porsiyento o 8,798 barangay lang ang nagpasa mula sa 42,036 barangay sa buong bansa.


Maliban rito, balak din sampahan ng kaso ng DILG ang mga opisyal ng barangay na kabilang sa “drugs watch list” ng gobyerno at nabigo sa pagsasaayos ng kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Sa datus ng Philippine National Police, nasa 17,000 opisyal ng mga barangay sa Pilipinas ang hinihinalang may kaugnayan sa iligal na droga.

Facebook Comments