Takot ang namamayani sa mga residente sa isang barangay sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao sa tuwing sumasapit ang dilim dahil sa diumano’y gumagalang aswang. Ayon kay Aling Baibon Kidi, isa sa mga residente sa lugar, sa pagkagat ng dilim, nagtatakbuhan sa bubong ng kanilang bahay ang hindi nila mawaring nilalang ngunit wala naman silang nakikita.
Ngunit may pagkakataon umano na nakita n’ya ang mga ito, maliliit ang ulo, matutulis ang ngipin at hugis tao.
Sinabi naman ng isa sa mga kapitbahay ni Aling Baibon, na sa tuwing naririnig n’ya ang ingay sa kanilang bubong ay sinasabayan ito ng malakas na hangin kaya hindi n’ya inihihiwalay sa kanya ang kanyang mga maliliit pa na anak.
Nakunan ng larawan ng kanyang pamangking ang sinasabing aswang nang minsan itong mag-selfie, sa kanyang paglalarawan ay mahaba ang tenga nito, mahaba ang buhok, mabalahibo, mapula ang mga mata at matutulis ang mga ngipin, sa takot nito ay agad n’yang binura ang larawan.
Naglalagay at nagsasabit sa kanilang mga tahanan ang mga residente ng mga matutulis na kawayan at bawang na pinaniniwalaang pangontra sa aswang.
Umatake na rin umano ng alagang hayop ang kinatatakutang aswang kung saan kinain nito ang lamang loob ng isang kambing.(photo:CTTO)
Aswang gumagala, nanggagambala sa mga residente sa isang barangay sa Maguindanao!
Facebook Comments