Asylum seekers mula sa Afghanistan, tatanggapin na ng Pilipinas

Tatanggap na ng asylum seekers o refugee ang Pilipinas mula sa Afghanistan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, alinsunod sa Supreme Court ay hindi dapat magdalawang-isip ang Pilipinas na tumanggap ng refugees upang hindi maharap ang mga ito sa anumang kaso.

Nasa Department of Foreign Affairs (DFA) naman ang desisyon kung kikilalanin ito ang batas at magkakaroon ng bukas ng diplomatic channels sa pagitan ng Taliban forces.


Sa ngayon, nasa 32 Pilipino na ang lumipad paalis ng Afghanistan kasama ang 500 staff at tauhan ng US embassy bilang parte ng US government repatriation.

Facebook Comments