Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga COVID-19 patients na nakakaranas ng mild symptoms at mga asymptomatic na magpa-quarantine sa isolation facilities.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat lamang na manatili sa temporary treatment at monitoring facilities ang mga close contacts, asymptomatic at mild cases para mabawasan ang pressure sa mga ospital.
Ang COVID-19 beds at wards sa mga ospital ay gagamitin para sa moderate at critical cases.
Pero ang mga local government units ay malayang magpatupad ng home quarantine kung ang lahat ng miyembro ng pamilya ay mayroong COVID-19.
Nabatid na 24 na ospital sa Metro Manila ang nag-anunyo na nasa full capacity na ang kanilang COVID-19 intensive care units (ICUs).
Ang OCTA Research Group ay nagbabala na posibleng mapuno ang mga ospital sa Metro Manila pagsapit ng Abril dahil sa surge ng COVID-19 cases.