AT YOUR SERVICE | Unggoy, nagsisilbing waiter sa isang bar sa Japan

Japan- Dinarayo ngayon ng mga turista ang isang bar sa Japan dahil sa mga nakaaaliw nilang waiter.

Kung mga seksing babae ang nasa isip niyo,nagkakamali kayo dahil mga Macaque Monkeys lang naman ang nagsisilbing waiter sa Kayabuki bar sa Utsunomiya!

Pinakasikat sa kanila ang 17-year old na unggoy na si Yacchan na siyang tagapaghatid ng inumin at tissue sa mga customer.


Ayon kay Kaoru Otsuka, si Yacchan ang kauna-unahang pet monkey na ibinigay sa kanya ng isang kaibigan.

Na-discover raw niya ang kakaibang talino ni Yacchan nang minsang bigyan niya ng tissue ang unggoy na iniabot naman nito sa mga customer.

Bukod sa kanilang Monkey waiters, mayroon din silang ilang Baby Monkeys na nagpo-pose para sa mga guest na gustong magpa-picture.

Facebook Comments