Cagayan – Mariing kinundena ni public information officer, NOLCOM AFP Lt. Col. Isagani Nato ang pagpaslang kay Baggao municipal councilor Angelo Luis, 56-anyos, residente ng Zone 1 Barangay Awallan, Baggao, Cagayan.
Base sa report na nakarating sa Kampo Aguinaldo.
Humigit kumulang 30 armadong mga kasapi NPA sa ilalim ng Henry Abraham Command, NPA unit na nag-ooperate sa Eastern Cagayan, suot ang military uniform, inaabangan pagdating ni Luis mula sa kanyang sakahan.
Ayon sa pahayag ng kapitbahay ng biktima, tinatayang nasa 17 NPA ang naispatan sa bahay ng councilor.
Apat ay nakakalat sa harapan ng bahay habang ang anim iba pa ay nakaposte sa Zone 5 sa naturang barangay na nagsagawa ng checkpoint.
Pagdating ng biktima sa kanilang bahay, agad sinundan ng apat na rebeldeng NPA at walang habas na pinagbabaril ang konsehal.
Pagkatapos ay tumakas ang mga rebeldeng NPA patungo sa direksyon ng Sitio Kagurongan ng Barangay Awallan Tangay ang apat na mga armas ng councilor.
Nagpakalat din ang mga rebeldeng NPA ng leaflets na may katagang “gubat ti umili sungbat ti martial law ni Duterte” at kabataang sumumpa sa NPA, Henry Abraham command, NPA East Cagayan.
Giit ni Nato na patunay lamang na ang tunay na layunin ng NPA ay maghasik ng takot at kaguluhan sa kanayunan.