ATAKE SA PUSO | Direk Maryo De Los Reyes, pumanaw na

Manila, Philippines – Pumanaw na sa edad na 65 ang batikang direktor na si Maryo J. De Los Reyes.

Sa ulat, nasa party sa Dipolog City si De Los Reyes nang atakihin siya sa puso.

Naisugod pa sa siya sa ospital pero idineklara ring patay alas 10:00 kagabi.


Sa ngayon, wala pang inilalabas na impormasyon ang pamilya De Los Reyes tungkol sa burol ng direktor.

Taong 1970s nang makilala ang direktor at kabilang sa mga sikat niyang pelikula ang “Annie Batungbacal”, “Bagets”, “Magnifico” at “Unmarried Wife”.

Facebook Comments