Pumalag ang organizers ng student strike sa Ateneo De Manila University (ADMU) kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos silang pagsabihan ng Pangulo na huwag nang mag-aral at ipinaubaya sa pamahalaan ang pagtugon sa pandemya at epekto ng mga nagdaang bagyo.
Sa statement, iginiit ng Atenean students sa Pangulo na itigil na ang pagtatalak na wala namang kwenta.
Nararapat lamang silang mag-alala sa sitwasyon dahil pinababayaan ng Pangulo ang trabaho nito.
Sabi pa nila sa Pangulo: “Anong ang silbi ninyo? Wala.”
Tuloy anila ang kanilang strike habang maraming Pilipino ang namamatay dahil sa kanyang incompetence.
Nabatid na higit 500 Ateneans ang nanawagan ng mass student strike para iprotesta ang mabagal na aksyon ng gobyerno sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo at sa COVID-19 pandemic.