Ateneo at FEU, handa na sa do or die game bukas!

58
Courtesy GUIDON Sports/James Gavina

MAGKAKAALAMAN na bukas kung sino ang huling team na papasok sa finals ng UAAP Season 81 Women’s Volleyball.

Inaasahan na buong puso at lakas na ang ilalabas ng Ateneo Lady Eagles at FEU Lady Tamaraws sa kanilang do or die match na magaganap sa San Juan Arena. Matatandaan na pinabagsak ng Morayta-based team ang Lady Eagles noong Sabado. Umabot sa limang set ang laro na ang iskor ay 10-25, 25-23, 25-22, 12-25, 15-8.


Kung sakaling manalo ang Ateneo, ito ang kanilang third finals appearance. Kapag pumanig ang kapalaran sa FEU, muling mabubuhay ang old rivalry ng UAAP.

Haharapin ng magwawaging koponan ang UST Growling Tigresses sa darating na Sabado.

Facebook Comments

From Advertisers