Pinatawan ng multang 75,000 pesos at tatlong buwang suspensyon ng Philippine Basketball Association (PBA) si TNT KaTropa Assistant at Ateneo coach Tab Baldwin.
Kasunod ito ng pahayag ni Baldwin na nasorpresa siya at nairita sa “tactical immaturity” ng mga Pinoy coach noong unang dating niya sa Pilipinas.
Sinabi naman ni Baldwin na handa siya sa kaparusahan na ipapataw sa kanya ng PBA.
Humingi na rin siya ng paumanhin kay PBA commissioner Willie Marcial sa pamamagitan ng video conference.
Facebook Comments