Ateneo inextend ang UAAP finals match

68
Image via Facebook/GUIDON Sports

Hindi pa tapos ang laban ng UAAP Season 81 Women’s Volleyball Finals.

Nakamit ng Ateneo Lady Eagles ang panalo kontra UST Golden Tigresses ngayong gabi sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.


Nilampaso ng Katipunan-based team ang koponan mula sa Espanya sa iskor na 26-24, 14-25, 25-21, 25-15. Nagtala ng 17 puntos ang 2nd Middle Best Blocker na si Maddie Madayag at tinanghal bilang best player of the game si Dani Rivera dahil sa 12 excellent reception at 22 excellent digs na kanyang iniambag sa grupo.

Sa kalagitnaan ng bakbakan, nagtamo ng mild sprain ankle ang Rookie of the Year na si Eya Laure.

Magkakaalaaman sa Sabado kung sino ang maguuwi ng kampyeonato. Gaganapin pa rin ang do or die match sa MOA Arena.

Facebook Comments

From Advertisers