Ateneo, itinanggi ang mga akusasyon ni alyas Bikoy

Mariing pinabulaanan ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang alegasyon ni Peter Joemel Advincula na ilang miyembro ng Liberal Party ang nagpupulong sa kanilang campus.

Sa memo na inilabas ni ADMU President Jose Ramon Villarin, iginiit na hindi nag-o-organisa ang unibersidad ng anumang meeting patungkol sa sinasabi ni Advincula para planuhin ang destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak ng pamunuan ng unibersidad na napapanatili pa rin ang kanilang karapatan para iwasto ang anumang ibinabatong akusasyon at itataguyod ang rule of law sa ating demokrasya.


Facebook Comments