Ateneo, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng kanilang alumnus na si dating Pangulong Noynoy Aquino

Inihayag ng Ateneo De Manila University (AdMU) ang kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng kanilang alumnus na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Ateneo President Robrerto Yap, ipinakita ni PNoy sa bansa at sa buong mundo ang kung paano ang pamumuno na may competence, conscience, compassion, at commitment.

Hindi aniya makakalimutan si dating Pangulong Aquino na nagsilbing kinatawan ng Pilipinas na may dangal, dignidad, at pag-papaangat niya sa bansa.


Si dating Pangulong Aquino ay isang solid na Atenean mula elementary, high school, hanggang sa pagkuha niya ng Bachelor’s degree in Economics sa kolehiyo.

Facebook Comments