Ateneo, nanatiling walang talo sa first round ng UAAP Men’s Basketball

UAAP – Nanatiling walang talo ang Ateneo Blue Eagles matapos manalo kontra De La Salle Green Archers sa UAAP season 80 na ginanap sa MOA Arena.

Naging dikitan ang laban at nagtapos ang laro sa score na 76- 75 kung saan nanguna sa panalo ng Ateneo si Matt Nieto na mayroong 16-points.

Dahil dito, naging malinis ang record ng Ateneo sa 7-0 win/loss sa unang round ng UAAP Men’s Basketball at umaasa silang magpapatuloy ito hanggang sa susunod na round.


Tinalo naman ng national University Bulldogs ang U.P. fighting Maroons sa score na 77- 70.

Facebook Comments