Ateneo, umusad sa final four; tinambakan ang Adamson sa UAAP Season 86

Nakuha ng defending champion na Ateneo Blue Eagles ang huling spot sa final four ng UAAP Season 86 Men’s Basketball Tournament.

Ito ay makaraan nilang tambakan ang Adamson Soaring Falcons sa score na 70-48.

Hindi hinayaan ni Coach Tab Baldwin na malaglag ang koponan sa kabila ng pressure para mapanatiling buhay ang kanilang kampanya para sa title retention.


Pinangunahan ni Jared Brown ang Blue Eagles na nagtala ng 20 points, at tig-apat na rebounds at assists.

Dahil sa panalo, sunod na makakalaban ng Ateneo ang top seed na University of the Philippines Fighting Maroons sa semifinals sa Sabado, november 25.

Ang UP Fighting Maroons ay may twice-to-beat advantage dahil sa magandang kampanya nila na may 12 panalo at dalawang talo.

Facebook Comments