ATF-CORE, ikinalugod ang first public hearing ng Senado sa economic amendments

Ikinalugod ng Inter-Agency Task Force on Constitutional Reform ang unang pagdinig ng Senado sa panukalang tanggalin ang protectionist provisions sa 1987 Constitution.

Pinasalamatan ng ATF-CORE sina Senador Francis Tolentino, Ronald “Bato” dela Rosa, at Richard Gordon sa isang napakahalagang hakbang na muling pag-aralan ang Konstitusyon para iakma sa hamon ng makabagong panahon.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na naghahanda na sila upang idepensa ang kanilang posisyon sa komite ng Senado.


Tiwala si Malaya na ang parehong pagkasa ng Kamara at Senado na talakayin ang panukala ay isang malakas na mensahe sa buong mundo na bukas ang Pilipinas na magreporma para makahikayat ng foreign investment.

Aniya, kailangan ng bansa ang mas maraming foreign investment upang maibangon ang lugmok na ekonomiya na dulot ng global pandemic.

Facebook Comments