ATHLETE’S FOOT AT IBA PANG SAKIT SA DAGUPAN CITY, NARARANASAN NGAYON DAHIL SA BAHANG DULOT NG HIGH TIDE

Matindi ngayon ang paalala ng Health Authorities sa Dagupan City ukol sa pagkakaroon ng alipunga dulot ng paglusong sa maruruming baha dahil sa high tide.
Ngayong panahon ng tag-ulan, madalas ulit ang pagkakaroon ng hightide sa ilang bahagi ng Dagupan City at madalas na nakukuha ng mga residente sa paglusong dito ay mga ibat ibang uri ng sakit tulad na lamang ng Athlete’s foot o alipunga.
Ayon sa Health Authority, ang sakit na Athlete’s Foot o alipunga ay isang impeksyon mula sa fungus na siyang madalas na nakukuha sa madalas na paglusong sa tubig, nakakahawa rin umano ang alipunga.

Payo ng awtoridad, kung sakaling magkaroon ng ganitong klaseng sakit ay magpunta agad sa mga Barangay Health Centers upang agaran itong maagapan at kung maaari maglagay ng remedyo para di na lumala.
Sa Dagupan City, nasa tatlo hanggang limang Barangay ang karaniwang nakakaranas ng high tide at madalas na tinatamaan ng alipunga kung kaya’t mahigpit ang paalala ng awtoridad na magdoble ingat ang mga residente sa tuwing lulusong sa baha. |ifmnews
Facebook Comments