Atin Ito convoy, nakalapit na sa Pag-asa Island; PCG, patuloy na nagbabantay dahil sa mga barko ng China na nakapaligid

Matagumpay na naihatid ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Atin Ito convoy patungong Pag-asa Island.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea, kaninang alas tres ng hapon ay matagumpay na nakumpleto ng BRP Melchora Aquino at BRP Malapascua ang kanilang pangunahing misyon na ihatid ang Atin Ito convoy mula El Nido Port patungong Pag-asa Island sa Palawan.

Sa kasalukuyan, naka-angkla ang M/V Kapitan Oca sa layong 4.5 nautical miles northeast ng Pag-asa Island.

Tiniyak naman ng PCG na patuloy silang nagbabantay sa seguridad at kaligtasan ng mga sibilyang kalahok sa concert.

Sa ngayon kasi ay may tatlong barko ng China Coast Guard ang nakapaligid na may layong 1.72 hanggang 4.6 nautical miles mula sa isla.

Bukod pa yan sa 22 na Chinese Maritime Militia vessels na nananatili sa Pagasa Cay 2, Cay 3, and Cay 4 na nasa 1.5 nautical miles ang layo sa MRRV 9702 o BRP Melchora Aquino.

Facebook Comments