Manila, Philippines – Pinagtibay ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasura nito sa criminal case laban kay University of Sto. Tomas Faculty of Civil Law dean Nilo Divina at ilang trustees of the Aegis Jvris Foundation, Inc.
Kaugnay ito ng pagkamatay sa hazing rites ni UST law student Horacio “Atio” Castillo III.
Ayon kay Justice sec. Menardo Guevarra, Ang pagbasura ng DOJ sa petition for review ng mga magulang ni Atio na sina Horacio Jr. at Carminia ay dahil sa usapin ng “late filing”.
Paso na aniya sa takdang paghahain ng petition for review ang pagsusumite ng mag-asawang Castillo.
Nananantili namang nakakulong sa Manila City Jail ang sampung miyembro ng Aegis Jvris Fraternity matapos sampahan ng DOJ ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law, sa Manila Regional Trial Court.