ATIO CASTILLO HAZING CASE | DOJ, kumbinsidong nagkaroon ng sabwatan

Manila, Philippines – Kumbinsido ang Department of Justice (DOJ) na may sabwatang naganap sa pagitan ng mga miyembro ng Aegis Juris nang kanilang isailalim sa hazing si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon sa DOJ, may ginawang plano sa initiation rites bilang rekisito sa pagsali ng biktima sa fraternity ang paghimok sa biktima na sumailalim sa hazing at aktwal na partisipasyon sa pananakit kay Atio.

Maituturing din anila itong mga ebidensya para maisulong sa korte ang kasong paglabag sa Anti-Hazing law.


Sa kabila nito, ibinasura ng DOJ ang kasong murder na inihain ng Manila Police District laban sa respondents dahil hindi nila nakitaan ang krimen ng elemento na “intent to kill” o intensyong paslangin si Atio.

Ang layunin lamang anila ng mga miyembro ng Aegis Juris ay saktan nang pisikal si Atio sa Initiation Rites.

Facebook Comments