Manila, Philippines – Lack of probable cause ang dahilan ng DOJ sa pag-abswelto nito sa mga opisyal ng Aegis Juris Foundation Inc. sa kaso ng pagkamatay sa hazing ni UST Law student Horacio Castillo III.
Kabilang sa mga naabsuweltong trustees ng Aegis Juris Foundation sina William Merginio, Cesar Tirol, Oscar Co, Alexander Flores, Nilo Divina, Alvin Dysangco, Henry Pablo, Gabriel Robeniol, Michael Joseph Fernandez, Allan Christopher Agati,Paulino Yusi,Arthur Capili, Arnel Bernardo at Edwin Uy.
Absuwelto rin si Mark Anthony Ventura na miyembro ng Aegis Juris Fraternity matapos itong magpasyang maging testigo.
Inirekomenda naman ng DOJ sa Manila Police District ang pagsasagawa ng panibagong imbestigasyon laban sa mga isinangkot ni Ventura sa kaso na hindi naman nakasama sa mga kinasuhan.
Kabilang dito sina Zach Abulencia,Daniel Ragos, Dave Felix, Sam Cagalingan, Alex Cairo, Luis Capulong,Kim Cyrill Roque, Ged Villanueva, Edric Pilapil at RR Magbuhos.
Non-bailable naman ang kasong paglabag sa Anti-Hazing Law na isinampa laban kina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan , Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Alex Munrio Hipe, Marcelino Bantang, Jose Miguel Salamat at Robin Ramos.
Bailable naman ang kasong Perjury at Obstruction of Justice na isinampa laban kay John Paul Solano.