ATIO CASTILLO HAZING CASE | NBI, tiniyak na tatalima sa kautusan ng Manila RTC na ilipat sa Manila City Jail ang mga miyembro ng Aegis Juris

Manila, Philippines – Tiniyak ng NBI na agad nitong ibibigay sa Manila City Jail ang kustodiya sa mga miyembro ng Aegis Juris fraternity na akusado sa Horacio “Atio” Castillo hazing case.

Ayon sa NBI, oras na matapos ang documentation at ang clearance ay agad nilang ililipat sa Manila City Jail ang mga akusado.

Ito ay bilang pagtalima sa Commitment Order na pinalabas ng Manila RTC Branch 20.


Kabilang sa mga akusado sa Atio Castillo hazing case sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr, Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munro Hipe, Oliver Onofre, Joshua Macabali at Hans Matthew Rodrigo.

Una nang hiniling ng mga akusado na manatili sila sa kostudiya ng NBI dahil sa pangamba sa kanilang seguridad subalit ibinasura ito ni Judge Marivic Umali.

Facebook Comments