Manila, Philippines – Hindi kuntento si Committee on Public Order Chairman Senator Panfilo Ping Lacson na umabot lamang sa 11 miyembro ng Aegis Juris Fraternity ang kinasuhan ng Department Of Justice o DOJ kaugnay sa hazing at pagkamatay ni UST Freshman Law Student Horacio Atio Castillo III.
Para kay Lacson, hindi dapat inabswelto ng DOJ ang Senior Members ng Fraternity at ilan pang personalidad.
Sabi ni Lacson, taliwas ito sa mga ebidensya at impormasyon na lumabas sa pagdinig ng Senado.
Kabilang dito ang Facebook Group Chat, Video Footages at iba pang dokumento na magpapatunay na may probable cause para kasuhan din ang iba pang mga indibidual.
Naniniwala si Lacson na posibleng hindi naikonsidera ng DOJ panel ang anggulo ng sabwatan o pagtatakip na ginawa ng iba pang personalidad at mga miyembro ng Fraternity.