Atio Castillo, nakita sa gusali kung saan matatagpuan ang Dean Divina Law Office ilang oras bago siya sumailalim sa hazing

Manila, Philippines – Sa pagdinig ngayon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay ipinakita ang CCTV footage na nagpapatotoo sa text message ni Horacio Atio Castillo III sa kanyang mga magulang na siya ay nagpunta sa Pacific Star Building kung saan matatagpuan din ang Dean Divina Law Office.

Sa CCTV makikita si Atio na suot pa ang kulay asul na jacket na binili ng kanyang ina.

Nangyari ito noong September 16, ilang oras bago maganap ang pagsailalim ni Atio sa hazing ng Aegis Juris Fraternity noong September 17 ng madaling araw.


Pero diin ni UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina, hindi sa kanyang tanggapan nagpunta si Atio, hindi ito nakipagkita sa kanyam at walang siyang alam noon sa initiation rites ng fraternity.

Samantala, hindi naman natuloy ang paglalahad ng testimonya ni Marc Anthony Ventura sa pagdinig.

Ayon kay DOJ Prosecutor General Jorge Catalan Jr, confidential ang testimonya ni Ventura dahil provisionally admitted pa lang ito sa Witness Protection Program at kanila pang ini-evaluate ang kaso nito.

Nasabon naman sa pagdinig ang mga opisyal ng UST sa kapabayaan at hindi malinaw na patakaran sa mga organisasyon.

Ito ay makaraang sabihin ni UST Faculty of Civil Law Student Council Chairman Jonathan Santos na lahat ng organizations pati Aegis Juris Fraternity ay present sa freshman orientation nitong September.

Sabi ni Dean Nilo Divina nitong September lang sila deemed not recognized.

Paliwanag naman ni Dir. Ma. Socorro Guan Hing ng UST Office of Student Affairs, lahat daw organization ay submit paper for recognition at presumed na regular sila.

Bunsod nito ay ikinadismaya ni Senator Win Gatchalian na walang pro-active approach ang UST laban sa hazing.

Facebook Comments