Manila, Philippines – Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung miyembro ng Aegis Juris Fraternity na nahaharap sa kaso dahil sa pagkakadawit sa pagkamatay ni UST law student Horacio “Atio” Castillo III.
Sabi ni NBI deputy director Ferdinand Lavin, sinundo ang sampu sa isang lugar kung saan sila tinipon at saka dinala sa nbi kaninang alas onse ng umaga.
Kabilang sa mga sumuko ay sina:
– Mhin Wei Chan
– Jose Miguel Salamat
– John Robin G. Ramos
– Marcelino Bagtang, Jr.
– Arvin Balag
– Ralph Trangia
– Axel Munro Hipe
– Oliver Onofre
– Joshua Joriel Macabali
– Hans Matthew Rodrigo
Isinailalim na rin aniya sa booking process ang mga ito.
Kaugnay nito, ikinatuwa naman ni Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel ang naging aksyon laban sa sampu.
Ayon kay Coronel, ngayong hawak na ng NBI ang sampung akusado ay pwede nang simulan ang paglilitis para sa mga ito.
Umaasa naman si Coronel na mananaig ang katarungan.