ATIO HAZING CASE | Judge na may hawak sa kaso, hiniling na mag-inhibit

Manila, Philippines – Hiniling ng ilan sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na akusado sa Horacio “Atio” Castillo III hazing case na mag-inhibit ang hukom na may hawak ng kasong inihain ng Department of Justice (DOJ)

Partikular na naghain ng motion for inhibition laban kay Manila Regional Trial Court Branch 40 Judge Alfredo Ampuan ang kampo nina John Robin Ramos at Jose Miguel Salamat.

Ayon kina Ramos at Salamat, bayaw kasi ni Judge Ampuan si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Dante Jimenez na isa sa mga sumuporta sa pamilya ni Atio Castillo nang mga panahon na dinidinig pa sa DOJ ang kaso.


Ang maybahay din anila ni Judge Ampuan na si Marilissa Jimenez Ampuan ay kapatid ni Dante Jimenez.

Dahil dito, duda sina Salamat at Ramos na magiging patas pa ang hukom sa paglilitis ng kaso.

Facebook Comments