Manila, Philippines – Ikinalugod ni Manila Police District (MPD) Director, Chief Supt. Joel Coronel ang pagpapasailalim ng sampung myembro ng Aegis Juris Fraternity sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Coronel, ngayong ang mga akusado sa pagpatay kay Horacio “Atio” Castillo III ay hawak ng kamay ng batas, maari nang mapaghandaan at masimulan ang paglilitis.
Magkakaroon na rin umano ang mga akusado ng pagkakataon para makapagprisinta ng ebidensya.
Sinabi pa ni Coronel na sa huli, umaasa sila na ang mananaig ay ang katarungan.
Ang MPD ang nagsulong ng reklamo laban sa mga myembro ng Aegis Juris sa Department of Justice
Facebook Comments