Atleta mula Pampanga, nasungkit ang gintong medalya sa discus throw event sa Palarong Pambansa

Nasungkit ng atletang si Bellanca Marie Valerio, mula sa Angeles City, Pampanga ang gintong medalya para sa discus throw event.

Agad nagpakitang-gilas si Valerio sa kanyang unang beses na pagsali sa Palarong Pambansa.

Si Valerio ay nakapagtala ng 33.74 meters dahilan para mailampaso niya ang 16 nitong mga katunggali.


Ayon sa kanyang coach na si Romel Gonzales, hindi nila inaasahang magwawagi agad si Valerio na kanila lang nadiskubre noong nakaraang taon.

Sinabi naman ni Valerio, naging inspirasyon niya ang kanyang mga magulang na lalo pang nagtulak sa kanya para paghusayan ang kanyang performance.

Facebook Comments