ATLETANG DAGUPENO, WAGI NG BRONZE MEDAL SA SEA GAMES

Nag-uwi ng bronze medal si Susan Ramadan ng Dagupan City matapos ang kanyang matagumpay na pagtakbo sa Women’s 1500m event sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.

Itinuturing na malaking tagumpay ang kanyang pagkapanalo na nagpapakita ng dedikasyon at disiplina bilang kinatawan ng Pilipinas sa isang prestihiyosong international sports competition.

Ayon sa pamahalaang panlungsod, ang kanyang pagsusumikap ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang Dagupeño na nagnanais makapasok sa larangan ng palakasan at makapagbigay-karangalan sa kanilang lungsod.

Patuloy namang nagpahayag ng suporta ang lungsod sa mga atletang nagbibigay-dangal sa Dagupan City.

Facebook Comments