Atletang PWD mula Maguindanao nakasungkit ng Gold Medal sa Palaro

Nakasungkit ng Gold Medal ang isang istudyanteng mula sa Maguindanao sa Paralympics sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa.

Sa impormasyong naiparating sa DXMY, kinilala ang gold medalist na si Faidza Anak, residente ng Brgy. Kulamanis Guidulungan at isang grade 6 pupil ng Guidulungan Elementary School na namayagpag sa Shot Put event.

Lubos naman ang kagalakan ni Ms. Lynette Estandarte ng Peoples Medical Team sa karangalang nasungkit ni Anak. Isa lamang si Anak mula sa 12 mga atletang may Special Needs na naipadala at nakilahok sa palarong pambansa sa Vigan, Ilocos Sur.


Matatandaang kabilang si Anak na sumailalim sa ilang 3 Day Session/ Workshop na pinangunahan PMT ng Provincial Government sa bayan ng Buluan noong 2017. Layun ng programa ay para maipadama sa mga kabaatang mga may special needs at mga magulang ng mga ito ang pagpapahalaga ng gobyernong sa pamamahala ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu .
Contributed Pic

Facebook Comments