Atong Ang at 25 pang indibidwal, pinakakasuhan na ng DOJ sa korte

Inirekomeda na ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng mga kaso ang 26 na indibidwal kabilang ang negosyante at gaming tycoon na si Charlie Atong Ang.

Ito ay matapos makitaan ng prima facie evidence ng prosecutors ang mga reklamo kung saan titindig umano ang mga kaso sa korte.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na nahaharap sa 10 counts ng kidnapping at homicide sina Ang at 25 pang indibidwal na karamihan ay mga pulis.

Bukod pa ito sa 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention na inirekomenda rin ng Justice Department na isampa laban kina Ang at 9 pang indibidwal.

Samantala, ibinasura naman ng DOJ ang mga reklamo sa iba pang indibidwal na hindi kasama sa inirekomendang kasuhan sa mga korte.

Si Ang ang itinuturong mastermind o utak umano sa pagkawala ng mga nawawalang sabungero.

Wala pang pahayag ang kampo ni Ang pero una na nitong itinanggi ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Facebook Comments