Monday, April 13, 2026

Atong Ang, kumikilos kasama ng kanyang maliit na grupo — SILG Remulla

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla na muntik na nilang mahuli ang negosyanteng si Atong Ang na siyang tinuturong utak sa kaso ng Missing Sabungeros.

Ayon kay Remulla, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang reliable source na nakita umano ito sa isang pribadong establisyamento sa Pilipinas.

Ngunit one day late umano ang kanilang operasyon kaya hindi nahuli ang nasabing negosyante.

Sinabi pa ng kalihim na kumikilos si Ang kasama ng kanyang maliit na grupo ngunit tiniyak nito na patuloy ang kanilang isinasagawang mga operasyon para matunton ang nasabing pugante.

Facebook Comments