Atong Ang, nasa bansa pa —PNP-CIDG

On going ngayon ang manhunt operation sa ilang properties ni Atong Ang sa Metro Manila at Region 4-A ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Pmaj. General Alexander Morico II sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame.

Kumpiyansa aniya ang ahensya na nasa bansa pa rin si Ang na isa sa mga sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kaugnay nito, nanawagan si Morico kay Ang na sumuko na at makipagtulungan sa ahensya.

Samantala, nagbabala naman si Morico na maaaring arestuhin at maharap sa kasong obstruction of justice ang sinomang hahadlang sa kanilang pagsisilbi ng warrant of arrest.

Sa kabuuan, 17 na ang naaresto ng mga awtoridad na binubuo ng 10 na pulis at pitong sibilyan, kung saan isang pulis na lang at si Atong Ang ang patuloy pang pinaghahanap.

Facebook Comments